Mag-utol nalunod

MANILA, Philippines — Kapwa malamig na  bangkay na nang matagpuan sa magkahiwalay na barangay ang isang magkapatid na  menor de edad na bata matapos malunod sa Pasig River kahapon ng umaga sa Makati City.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronald Angelo, 11, at Dave De Guzman Demano, 4-anyos, nakatira sa Brgy. Bu­ting, Pasig City.

Ayon sa report ng Makati City Police, nitong Miyerkules (Mayo, 22), alas-10:00 ng umaga, nakatayo ang biktimang si Dave sa isang bato sa Ilog Pasig nang  aksidenteng madulas at nahulog sa tubig.

Nakita ito ng kanyang kuya na si Ronald Angelo, na bagama’t hindi marunong lumangoy ay sinaklolohan ang nalulunod at inaanod na kapatid pero maging siya ay nalunod din.

Kahapon ng umaga nakita ang labi ng mga biktima sa Pasig River.

Show comments