Presyo ng petrolyo, umalagwa

Pinangunahan ito ng Pilipinas Shell, PTT Philippines at Petro Gazz, nagtaas ng P0.90 sa kada litro ng gasolina, P0.80 sa kada litro ng diesel habang nasa P0.75 kada litro ng kerosene, epektibo ng alas-6:00 ng umaga.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Matapos ang dalawang beses na rollback, nagpatupad naman ngayong araw na ito ng taas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis.

Pinangunahan ito ng  Pilipinas Shell, PTT Philippines at Petro Gazz, nagtaas ng  P0.90 sa kada litro ng gasolina, P0.80 sa kada litro ng diesel habang nasa P0.75 kada litro ng kerosene,   epektibo ng  alas-6:00 ng umaga.

Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ng price increase ang iba pang oil companies sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na dag­dag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Show comments