Taas-presyo ulit sa petrolyo

MANILA, Philippines — Magpapatupad na naman ang mga kumpanya ng langis ng dagdag-presyo sa mga produkto ng petrolyo sa susunod na linggo matapos ang dalawang sunod na rollback.

Sa abiso ng ilang insider sa oil industry na ang panibagong dagdag-presyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Papalo ang taas-presyo sa gasolina sa pagitan ng P0.90 hanggang P1.00 kada litro.

Habang aabot naman sa pagitan ng P0.70 hanggang P0.80 ang dagdag sa halaga ng bawat litro ng diesel.

Samantalang P0.70 hanggang P0.80 rin kada litro ang sa presyo ng kerosene.

Sa Martes (Mayo 21) ng umaaga inaasahang ipatutupad ng mga oil companies ang panibagong oil price hike.

Show comments