Kampanya ng Malabon vs illegal drugs kinilala ng PDEA

6 pang brgy. idineklarang drug-cleared

MANILA, Philippines — Nangunguna na ang Malabon City sa kampanya kontra ilegal na droga sa buong Metro Manila matapos dagdagan ng komiteng pinangungunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Lunes ang kabuuang bilang ng “drug-cleared” barangays na ngayon ay nasa labinlima o mahigit 71% na ng lungsod.

Ayon sa PDEA, kabilang na sa “drug-cleared” barangays ang Acacia, Catmon, Bayan-bayanan, Maysilo, Santulan, at Tugatog, bilang resulta ng walang humpay na kampanya ng pamahalaang lungsod kontra ilegal na droga, sa pamamagitan ng City of Malabon Anti-Drug Abuse Council, PDEA, at Philippine National Police (PNP).

Nauna nang ideklara ng PDEA ang Brgy. Dampalit, Muzon, Ibaba, Niugan, San Agustin, Baritan, Flores, Concepcion, at Panghulo bilang drug-cleared barangays, habang 100% drug-free workplaces na ang lahat ng 21 barangay sa Malabon.

Nagpahayag na rin si Malabon City Mayor Lenlen Oreta na layunin niyang gawing isa sa mga kauna-unahang 100% drug-cleared cities ang Malabon sa buong Metro Manila sa kabila ng mga paninira ng ilang panig sa pangalan ng lungsod. 

Show comments