^

Metro

‘Tulak’ utas sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang isang 21-anyos na ‘tulak’ ng iligal na droga nang manlaban  sa isinagawang buy-bust operation sa Old Antipolo, Sta Cruz, Maynila, kaha-pon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Jomar Bigkas, alyas Jomar, residente ng Base-co Compound, Port Area, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng   Manila Police District-Station 3, dakong alas-11:20 ng gabi nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng  MPD-Station 3 laban sa suspect .

Nang makabili ang poseur-buyer ng halagang P500 shabu mula sa suspek na nag-ooperate sa eskinita malapit sa riles ng Philippine National Railways (PNR) sakop ng  Brgy. 349, Z-35, ay agad na po­mo­­sisyon ang iba pang kasamahang operatiba at nakita ang paglabas ng target na si Jomar.

Pinasok din ng mga ope­ratiba ang eskinita at doon na nakahalata ang suspek kaya agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang mga papalapit na pulis subalit hindi tumama.

Sa pagresbak ng pu-tok ng isa sa operatiba ay tinamaan sa katawan ang suspek na bumulagta sa kalye.

Narekober mula sa suspek ang marked money na ginamit sa buy-bust, isang kalibre 38 baril na may 2 bala at anim na sachet ng shabu.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with