109 huli sa anti-crime ops sa Makati

MANILA, Philippines — Nasa 109 katao ang nadakip ng tauhan ng Makati City Police sa isinagawang magkakasunod na anti-crime operation sa lungsod nitong nakalipas na buong linggo.

Sa ulat ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Rogelio Simon, ang mga nadakip ay resulta ng ikinasa nilang Simultaneous Anti Crimina-lity and Law Enforcement Operation (SACLEO) mula Pebrero 4 hanggang 9.

Sa naturang datos, nasa 41 ang inaresto dahil sa mga kaso ukol sa iligal na droga habang nasa 57 plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 54 gramo ng shabu at may halagang P270,000 ang nakumpiska ng pulisya.

Sampung suspek naman ang nadakip dahil sa iligal na pagdadala ng baril.  Nasa 10 armas din kabilang ang dalawang airsoft rifles ang nakumpiska sa mga suspek.

Bukod dito, nasa 11 ang inarestong mga wanted sa batas; 26 sa iligal na sugal; tatlo sa panghoholdap; isa sa carnapping; isa sa kasong Rape; isa sa pana-naksak, at 11 sa mga mas maliliit na krimen.

Samantala, nasa 188 rin ang inaresto ng pulisya sa lungsod dahil sa paglabag sa mga ordinansa na nagbabawal sa pag-inom ng alak at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, curfew sa mga minor at pag-ihi sa kung saan-saan.

Show comments