Dahil sa CCTV, karnaper huli sa QC
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ng mga awtoridad ang isang sinasabing kilabot na karnaper matapos na makuhanan ng CCTV sa huling tinangay nitong sasakyan sa  Brgy. Bungad, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Chief. Supt Joselito Esquivel Jr., Director ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na si Renato Gina, 20,  ng Brgy. Bungad, Quezon City.

Ang suspek ay nadakip dakong alas-3:00 ng mada­ling araw makaraang tanga­yin nito ang kulay pulang motorsiklo ng biktimang si Rel Christian Ignacio na kanyang ipinarada sa harap ng kanyang bahay sa  Miller Compound, Brgy. Bungad.

Inireport ni Ignacio sa Anti Carnapping Section ng QCPD ang pagkawala ng kanyang sasakyan kaya tiningnan ng pulisya ang mga nakalagay na CCTV sa lugar at doon nakita ang pagmumukha ng suspek.

Agad na nagsagawa ng follow up operation at Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (ACLEO) ang mga awtoridad laban sa suspek na nagresulta ng kanyang pagkakaaresto sa Brgy. Bungad na naghahanap na naman ng panibagong biktima.  

KARNAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with