2 dayuhang call center agents, inatado ng saksak

Nakilala ang dalawang biktima na sina Tan Rui Kai, isang Malaysian a Nhan Khoang Lan, isa namang Vietnamese.

MANILA, Philippines — Kapwa sugatan ang isang Malaysian at Vietnamese nationals na call center agents matapos pagsasaksakin ng hindi pa nakilalang suspect, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang dalawang biktima na sina Tan Rui Kai,  isang Malaysian a Nhan Khoang Lan, isa namang Vietnamese.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspect at hanggang sa ngayon ay nagsasagawa pa ng follow-up hinggil sa insidente.

Sa inisyal na report na natanggap ng hepe ng Pasay City Police na si Sr. Supt. Noel Flores, naganap ang insidente alas-7:10 kamakalawa ng gabi sa Filinvest Cyberzone  na matatagpuan sa Macapagal Boulevard  ng naturang siyudad.

Nabatid, na nagtatrabaho ang naturang mga dayuhan bilang call center agents sa naturang lugar at habang naglalakad ay biglang sinugod ng hindi kilalang suspect at inundayan ng saksak.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspect at ang mga biktima naman ay mabilis na isinugod sa ospital ng rescue team. 

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo nang pananaksak.

Show comments