Criminology student, huli sa pangingikil

Sa pangunguna ni DPIOU Police Superintendent Lucille Faycho, dinakip si Garette Paul Javier, 27, dati umanong miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau at nakatira sa Gerona St. sa Tondo kasama ang kanyang live-in partner sa kahabaan ng Avenida kanto ng Tayuman St. sa Tondo.
File Photo

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 4th year cri­mi­nology student na nagpapakilalang pulis at nangikil sa isang estudyante sa isinagawang en­trapment ope­ration sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Sa pangunguna ni DPIOU Police Superintendent Lucille Faycho, dinakip si Garette Paul Javier, 27, dati umanong miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau at nakatira sa Gerona St. sa Tondo kasama ang kanyang live-in partner sa kahabaan ng Avenida kanto ng Tayuman St. sa Tondo.

Napag-alaman na nagpapakilala ang suspek bilang PO1 Mark Espejo at miyembro umano ng MPD Abad Santos Police Station na nangikil sa isang estudyante ng Arellano University dahil­ sa pag­labag nito sa tra­piko ng halagang P2,500.

Lumabag si Javier sa Article 293 o Robbery­ Thru Extortion, Article 177 Usurpation of Authority at Ar­ticle 178 o Using Fictitious name and Concealing true name.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Manila Police District ang suspek para sa kaukulan pang imbes­tigasyon. (Doris Franche)

Show comments