Pagsasara ng 2 tulay sa Maynila, simula na

Ito ay ang Nagtahan o Mabini Bridge na isasara ang dalawang lane na aabot hanggang Nagtahan Fly-Over southbound lane at ang San Juan Bridge na ngayon ay Old Sta. Mesa Bridge dahil sa pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang mga motorista na iwasan pansamantala ang dalawang tulay sa Maynila na isasara sa daloy ng trapiko sa tuwing alas -11:00 ng gabi hanggang alas- 5:00 ng madaling araw simula ngayon (Setyembre 15).

Ito ay ang Nagtahan o Mabini Bridge na isasara ang dalawang lane na aabot hanggang Nagtahan Fly-Over southbound lane at ang San Juan Bridge na ngayon ay  Old Sta. Mesa Bridge dahil sa pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa halip, maaaring dumaan na lamang sa  Ramon Magsaysay Boulevard  at maaring dumiretso sa Araneta Avenue.

Wala pang katiyakan kung hanggang kailan magtatapos at muling bubuksan ang dalawang tulay sa mga oras na itinakda.

Show comments