Presidential Car Museum sa QC, bukas na sa publiko

Ito ay sa pamamagitan ng bagong Presidential Car Museum na bubuksan sa QC Circle simula ngayong linggo para makita ng publiko mula alas-8 ng umaga hanggang alas- 4 ng hapon tuwing araw ng Martes hanggang araw ng Linggo.

MANILA, Philippines — Libreng makikita ngayon ng publiko ang mga sasak­yang ginamit ng mga nagdaang Pangulo ng Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan ng bagong Presidential Car Museum  na bubuksan sa QC Circle simula ngayong linggo para makita ng  publiko  mula alas-8 ng umaga hanggang alas- 4 ng hapon tuwing araw ng Martes hanggang araw ng Linggo.

Naipatayo ang museum  ng QC government sa tulong ng National Historical Commission of the Philippines sa pamamagitan ni NHCP executive director Ludovico D. Badoy.

Sa bawat sasakyan ay may mga plake na nagpapaliwanag ng naging ambag ng bawat sasakyan sa mga na­ging Pangulo ng ating bansa at kung gaano ito kahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas.

“Layunin natin na ipakalat ang turo at mga ginawa ng mga bayaning Pilipino at ng mga personahe natin sa kasaysayan,”pahayag ni  Presidential Car Museum curator Ryan Tan.

Show comments