^

Bansa

Death Penalty papasa sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Death Penalty papasa sa Senado
Tiniyak din si Pacquiao na makakakuha ng sapat na suporta kung ipapataw ang parusa sa krimen na may kinalaman sa ilegal na droga.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Positibo si Senator Manny Pacquiao na maaaprubahan ngayong taon sa Senado ang kontrobersiyal na pagbabalik ng parusang kamatayan.

Tiniyak din si Pacquiao na makakakuha ng sapat na suporta kung ipapataw ang parusa sa krimen na may kinalaman sa ilegal na droga.

 “Tingin ko makakakuha naman (ng sapat na suporta) basta drugs lang…sisikapin natin na maaprub ngayong taon,” sabi ni Pacquiao.

Pero gusto rin ni Pacquiao na bukod sa mga heinous crimes at drug trafficking isama ang rape with murder, kidnap for ransom, at robbery na may kasamang pagpatay.

Maaari naman umanong limitahan din at ipataw lamang ang parusa sa mga big time na drug trafficker.

Muling ikinatuwiran ni Pacquiao na nasa Bibliya ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

“Yes biblically nandiyan yan sa bible kung bible ang pag-uusapan, binibigyan ng karapatan ang authority to impose death penalty to those who commit heinous crimes even in our constitution, andiyan yan,” sabi ni Pacquiao.

vuukle comment

DEATH PENALTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with