6 na paslit gamit ng drug syndicate, nasagip

Kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Cristina Lopena, 52, may-ari ng drug den at leader ng ‘Lopena Drug Group’; Marlon Macatuggal, 24; Mark Gil Patriarca, 35; Dandrian Alvarez, 30; Michael Lopena, 38; Virgilio Valdrias, pawang mga residente ng Purok 1, Brgy. Sucat, Muntinlupa City at Rejay Lazaga, 19, taga Marcelo Green, Parañaque City.
Andy G. Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Anim na paslit na pawang  apat na taong gulang at umano’y ginagamit sa mga illegal drug transaction  ang nasagip nang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at lokal na pulisya mula sa isang pinaniniwalaang drug den  habang  anim na katao  naman ang nadakip kabilang ang babaeng leader ng grupo sa Muntinlupa City, kamakalawa.

Kinilala ang mga nadakip na suspect na sina Cristina Lopena, 52,  may-ari ng drug den at leader ng ‘Lopena Drug Group’; Marlon Macatuggal, 24; Mark Gil Patriarca, 35; Dandrian Alvarez, 30; Michael Lopena, 38;   Virgilio Valdrias, pawang mga residente ng Purok 1, Brgy.  Sucat, Muntinlupa City at Rejay Lazaga, 19,  taga Marcelo Green, Parañaque City.

Alas-5:25 ng hapon ng isagawa ang operasyon ng puwersa ng PDEA at Muntinlupa City Police kasama ang Department of Social and Welfare Development (DSWD) nang sagipin ang mga paslit na biktima na ginagamit ng sindikato sa drug den na pag-aari umano ng lider na si Cristina sa  Alley Purok 1, Brgy.  Sucat ng naturang lungsod sa bisa ng isang search warrant  na inisyu ng korte.

Itinurn-over sa DSWD ang nasagip na mga bata.

Nakumpiska sa mga suspect ang 22 transparent plastic sachets na tinatayang nasa  30 gramong shabu na  may street value  P204,000, 13 plastic bags na naglalaman ng nasa 100 gramong  marijuana, na ang halaga naman ay nasa P12,000, drug paraphernalia at isang kalibre .38 revolver.

Show comments