Tricycle driver dinedo ng kapwa driver

Patay na ng idating sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Tamil Abong, 37, tubong North Cotabato, habang ares­tado naman ang suspek na si Taher Pando, 24, kapwa tubong North Cotabato, at naninirahan sa Baseco Compound sa Port Area.
Joven Cagande/File

MANILA, Philippines — Isang tricycle driver ang nasawi matapos na barilin ng kanyang kapwa driver, sa Port Area, Manila kahapon  ng madaling araw.

Patay na ng idating sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center  ang biktimang si Tamil Abong, 37, tubong North Cotabato, habang ares­tado naman ang suspek na si Taher Pando, 24, kapwa tubong North Cotabato, at naninirahan sa Baseco Compound sa Port Area.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), dakong alas-3:45 ng madaling araw nang maganap ang pama-maril sa Block 5 Habitat Compound, malapit sa tahanan ng mga suspek at biktima.

Nauna rito, nag-away ang dalawa na nauwi sa suntukan.

Nagtungo naman umano sa Baseco Police Commu­nity Precinct (PCP) ang bik­tima at nagpa-blotter, at pi­nayuhan ito ng mga pulis na magtungo sa Gat Andres Hospital para magpagamot ng kanyang mga sugat.

Gayunman, sa halip na magtungo sa pagamutan ay umuwi ng bahay ang biktima, ngunit muling nag-krus ang landas nila ng suspek, na nauwi sa pamamaril.

Isinugod pa ng kanyang mga kaanak sa pagamutan ang biktima ngunit patay na ito, habang naaresto naman ng mga rumespondeng tauhan ng Baseco PCP ang suspek sa isang follow-up operation.

Show comments