No. 1 ‘most wanted’ timbog

Ang suspek na si Nazarene Adornado, alyas “Nazi”, 32-anyos ay inaresto dakong alas-9:30 ng umaga sa harapan ng kanyang pinagtataguang tahanan sa Celina Homes Subdivision, Burgos, sa Rodriguez.

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga awtoridad ang sinasabing No. 1 most wanted person (MWP) sa Marikina City makaraang matukoy ang hide-out nito sa Rodriguez, Rizal kahapon ng umaga.

Ang suspek na si Nazarene Adornado, alyas “Nazi”, 32-anyos ay inaresto dakong alas-9:30 ng umaga sa harapan ng kanyang pinagtataguang tahanan sa Celina Homes Subdivision, Burgos, sa Rodriguez.

Batay sa ulat ng Marikina City Police, bago ang pag-aresto ay nakatanggap ng tip ang mga awtoridad na matatagpuan ang suspek sa naturang lugar.

Armado ng warrant of arrest na inisyu ni Marikina City Regional Trial Court (RTC) Judge Acerey Pacheco, ng Branch 165, sa kasong murder, kaagad na sinalakay ng mga tauhan ng Intel Branch sa pangunguna ni P/Chief Insp. Glenn Aculana ang lugar at sa tulong ng Warrant and Subpoena Section ay kaagad na dinampot ang nabiglang suspek na mapayapa namang sumama sa mga pulis.

Show comments