P28.9-M misdeclared goods nasabat ng BOC

Iprinisinta ni Customs Commissioner Isidro Lapeña sa mga mamamahayag ang nasabat na mga puslit na kargamento sa CFS3 Warehouse ng Manila International Container Port (MICP) sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila na nagkakahalaga ng may P28.9 milyon.
(Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines — Umaabot sa P28.9 milyong halaga ng misdeclared goods ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa dalawang  malalaking pantalan sa Maynila, kahapon.

Ang tatlong kargamento na dumating sa Manila International Container Port  mula sa Korea at China  ay naka-consigned sa  I-Genex Cargo Forwarder, 188 Fortune Merchandising, at Hepomlan Trading.

Ayon kay Comissioner Isidro Lapeña, idineklara ng I-Genex na ang kargamento ay mga gamit pangbahay at mga personal na gamit ngunit natuklasan na naglalaman ito ng mga personal items na may halong mga kahon ng beauty  products tulad ng hydrating creams, cleanser, mask  at rose water nang walang Food and Drugs Administration (FDA) permit.

Idineklara naman ng 188 Fortune at Hepomlan Trading ang kanilang kargamento na mga kitchen wares,  bolts at screws pero natuklasang mga  speakers, cookware, CCTV, beams, textiles, tiles, rubber pads, pagkain na walang kaukulang FDA permit, at G-shock watch.

Samantala, 16 pang  containers  na naka-consigned sa  Janeri Import Trading at naglalaman ng misdeclared fake clothing apparels at galvalume stell coil ang nasamsam.

Show comments