16 airports sa bansa, drug free-CAAP

MANILA, Philippines — Ikinagalak ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang naging resulta sa isinagawang random drug test   para sa mga kawani at mga opisyal ng nasabing tanggapan.

Batay sa naging resulta, lumilitaw na negatibo sa droga o “drug free”  ang lahat ng mga empleyado ng CAAP mula sa labing anim  na pa­liparan.

Sinabi ni CAAP spokesperson Erick Apolonio, isinagawa ang random drug testing na pinangasiwaan ng Office of the Flight Surgeon and Aviation Medicine (OFSAM) para sa mga kawani ng nasabing  ahensya.

Nabatid na mahigit umano sa 2,000 empleyado ng CAAP ang nagtratrabaho sa 16 na paliparan sa bansa.

Ang random drug test ay sinimulan noong February 7 hanggang May 4 na kinabibilangan ng mga kawani ng CAAP na nagmula sa Davao International Airport, Laguin-dingan Airport, Tuguegarao Airport at Laoag International Airport.

Ang iba pang mga paliparan na ‘drug free’ ay nagmula pa rin sa Cebu-Mactan International Airport; Kalibo International Airport; Duma­guete Airport; General Santos International Airport; Puerto Princesa International Airport; Zamboanga International Airport; Iloilo International Airport; Tagbilaran Airport; Plaridel Airport; Tacloban Airport; Roxas Airport at Surigao Airport.

Show comments