Compound sa Quezon City grinanada: 3 sugatan

Mismong si QCPD director Guillermo Eleazar ang nagsagawa ng ins­peksyon sa pinagsa-bugan ng gra­nada sa isang compound sa lungsod kamakalawa ng gabi kung saan tatlo ang iniulat na nasugatan. Kuha ni Joven Cagande

MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasugatan, kabilang ang 9-anyos na batang babae makaraang hagisan ng granada ng mga suspect lulan sa dalawang motorsiklo ang isang compound sa Quezon City kama­kalawa ng gabi.

Sumabog ang granada sa compound na pag-aari ni Lean­dro Ramillo, 66, ng Road 1, Brgy. Bagong Pag-asa dakong alas-8:15 Huwebes ng gabi.

Nakilala ang mga nasu­ga-tan na sina Alitalia Lou Velas- co, 32: Roderick Sadia, 46 at ang 9-anyos na batang babae.

Ayon kay Ramillo, nano­nood siya ng television ka­sama ang kanyang apo nang marinig niya na tila may nahulog sa kanilang bubong kasunod na nito ang malakas na pagsabog sa labas ng kanyang bahay.

Sinasabing hinagis ang granada sa bubong at nahulog sa lapag sa labas ng bahay saka tuluyang sumabog. Nag-iwan pa ito ng malaking crater dahil sa matinding pagsabog.

Nakaabot sa loob mismo ng bahay ang mga shrapnel na ikinasugat ng bata sa loob ng bahay, maging si Velasco na noon ay nag­lalakad lamang malapit sa lugar.

Si Sadia na isang Grab driver ay sugatan din sa insi-dente makaraang tamaan ng  shrapnel ang glass window ng kanyang sasakyan.

Base sa paunang imbestigasyon dalawang lalaking lulan ng isang motorsiklo ang siyang sangkot sa kaso.

Ayon naman kay Ramillo na wala siyang alam na kaaway na pwedeng gumawa noon sa kanila.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente at ang pagtukoy  sa mga gumawa nito.

Show comments