Magkapitbahay nagsaksakan: Kapwa patay!

Dahil sa maingay na tugtog

MANILA, Philippines — Parehong patay ang magkapitbahay na lalaki matapos na sila ay magsaksakan dahil sa pinag-awayang ingay na naganap sa Quezon City kagabi.

Ang magkapitbahay na kapwa namatay ay kinilalang sina Marcos Lomosco, 49, may asawa, vendor; at Luisito Floralde, 64, may-asawa at kapwa residente ng Luisito St., Brgy. Gulod, Novaliches.

Ang dalawa ay nasawi ha­bang ginagamot sa Novali­ches General Hospital at No­valiches District Hospital na parehong nagtamo ng mara­ming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-6:15 ng gabi sa tapat ng tahanan ni  Lomosco.

Sinasabing mag-isang umi­inom ng alak ni Lomosco at nagpapatugtog ng mala­kas na kanta sa kanyang cas­sette nang sitahin siya ng kanyang kapitbahay na si Floralde na noon ay nagluluto.

Ayon sa report, nakiusap ang lolong Floralde na hinaan ni Lomosco ang kanyang pagpapatugtog dahil natutulig na ang tenga nito pero sa halip na sumunod ay nagalit pa ang huli sanhi nang  mainitang pagtatalo hanggang sa mauwi sa saksakan ng magkabilang panig na nagresulta ng kanilang pa­rehong kamatayan.

Show comments