^

Metro

Publiko pinag-iingat sa lamok na may ‘dengue’ sa sementeryo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan kahapon ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang mga taong dadagsa sa mga semen-teryo na paghandaan rin ang mga lamok na nagtataglay ng sakit na “dengue” na maaaring sumalakay habang ginugunita ang alaala ng mga namayapang kaanak sa Undas.

 Una nang nagsagawa ng “fogging operation” ang Caloocan Environment Ma-nagement Office (CEMO) sa mga sementeryo upang mapuksa ang mga lamok na namamahay sa mga nitso para mailayo sa sakit ang publiko.

 Una na ring ipinag-utos ni Mayor Oscar Malapitan ang paglilinis sa mga semen­teryo at pagtatanggal sa lahat ng obstruksyon sa mga kalsadang papasok sa lahat ng pampublikong sementeryo sa lungsod bilang bahagi ng kanilang “Oplan Kaluluwa 2017”.

 “Inalis lahat ng sagabal na istruktura at mga basura at nagsagawa ng “fumigation” upang makaiwas sa sakit na dengue ang mga dadalaw sa kanilang mahal sa buhay na namayapa sa Nov. 1,” ayon kay Malapitan.

Sa Navotas City, pinaa­lalahanan naman ni Mayor John Rey Tiangco ang publiko na hanggang ngayong Oktubre 30, alas-5 ng hapon na lamang ang paglilinis at pagpipintura sa mga puntod sa mga pampublikong sementeryo. 

Matapos nito, hindi na papayagan na makapagpasok ng mga gamit panglinis at pintura ang sinuman upang makatutok na ang tao sa taimtim na paggunita sa alaala ng mga namayapang kaanak at pagdarasal.

May kanya-kanya rin namang “traffic re-routing” ang mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valen-zuela sa bisinidad ng mga pampublikong mga semen-teryo habang ikakalat ang mga traffic enforcers sa pamamahala sa daloy ng trapiko.

 Pinaalaala rin ng mga alkalde ang pagbabawal sa pagdadala sa loob ng mga sementeryo ng lahat ng uri ng patalim o matulis na mga bagay, anumang uri ng alak o nakalalasing na inumin, pagsusugal, at gamit na lumilikha ng ingay.  Pinaalalahanan rin ang mga magulang na may kasamang bata na lagyan sila ng identification card na nakasulat ang pangalan, contact number, address, at pangalan ng magulang para kung sakaling mawala sila ay madaling matunton ang mga guardians.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with