^

Metro

12 pulis sa Kian slay, giit maibasura ang kaso laban sa kanila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humarap sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) ang 12 pulis na pinangalanan ng Public Attorneys Office (PAO) bilang karagdagang mga respondent sa kaso ni Kian Delos Santos, ang 17-taong gulang na binatilyo na napatay sa anti-illegal drugs operation ng Caloocan Police noong gabi ng August 16, 2017.

Ayon sa PAO, ang mga karagdagang respondent ay kasama umano sa nagsakatuparan ng one-time big time anti-criminality operation sa Caloocan noong August 16.

Dalawang joint counter-affidavit ang inihain ng mga  pulis kung saan hiniling nila na mabasura ang reklamong murder na inihain laban sa kanila.

Kasama sa mga nagsumi- te ng kontra salaysay ay sina Police Officers 2 Arnel Canezares, Fernan Cano at Diony Corpuz; at Police Officers 1 Silverio Garcia Jr., Rossillini Lorenzo, Christian Joy Aguilar, Myrldon Yagi at Ronald Herrera.

Sama-sama nilang iginiit sa kanilang counter-affidavit na dapat mabasura ang reklamo laban sa kanila dahil wala naman silang naging partisipasyon sa ikinasang “Oplan Galugad” noong August 16 dahil ang ilan sa kanila ay naka-sick leave, may naiwan lamang sa presinto, o hindi kaya ay nakatalaga sa bara-ngay outpost o barangay hall.

Tinukoy naman nina PO1s Reynaldo Dan Blanco Jr., Erwin Romeroso, Ceferino Paculan at Ferdinand Claro sa kanilang joint counter affidavit na hindi tamang sila ay idawit sa kaso dahil wala naman sila sa crime scene o lugar na pinangyarihan ng pagpatay kay Kian, at hindi rin sila nakipagsabwatan para isakatuparan ang krimen.

Mula sa mga nasabing respondent, hindi nakadalo si Herrera sa pagdinig kaya hindi niya personal na napanum-paan ang kanyang kontra salaysay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with