100 katao timbog sa mga paglabag, boga

MANILA, Philippines — Kalaboso ang nasa mahigit isang daang indibiduwal dahil sa iba’t ibang paglabag kabilang ang isang lalaki na nahulihan ng mga baril at mga bala sa magkahiwalay na operasyon sa Taguig at Las Piñas City kamakalawa ng gabi at kahapon.

Alas-10:00 ng gabi nang madakip ng mga kagawad ng Taguig City Police ang may 101 individual dahil sa ibat-ibang uri ng paglabag tulad ng pag-inom ng alak sa kalsada, paninigarilyo, mga nakahubad ng damit pang itaas at kabilang dito ang 59 kabataang lumabag sa curfew hours  sa Brgy. Ususan at Brgy. Pinagsama, Taguig City.

Matapos magkasa ang mga ito ng isang anti-criminality operations  sa naturang mga barangay.

Bukod dito, nakumpiska ng mga pulis ang may 32 motorsiklo dahil sa ibat-ibang uri ng paglabag sa batas trapiko.

Samantala, nakakulong ngayon sa Las Piñas City detention cell dahil sa paglabag sa kasong Republic Act 10591 (Illegal Possession of Fire Arm and Ammunition)  ang suspect na si Rodolfo Quilatan De Leon, nasa hustong gulang, ng Brgy. Pulang Lupa 2, Las Piñas City.

Alas-2:20 kahapon ng madaling araw nang mada­kip si De Leon sa isang  operasyon ng Las Piñas City Police sa naturang lugar at nakumpiska sa suspect ang isang Llama Pabellum na baril, dalawang kalibre .9mm at mga bala. 

Show comments