^

Metro

P1-M ecstacy nasamsam ng PDEA, 1 timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Mandaluyong police at  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang high-value target na ‘tulak’ ng droga sa isinagawang pagsalakay sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang na­dakip na sus­pek na si Jovet Atilano, alyas OJ, nakatira sa Unit 506, GA Tower Condomi­niums, Brgy. Malamig, Mandaluyong City.

Ang pag-aresto kay Atelano ay isinagawa dakong alas-4:00 ng madaling araw sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagtutulak ng bawal na gamot ng suspek.

Sinasabing ilan sa paruk­yano ng suspek ay mayayaman at kilalang indibidual sa Mandaluyong City. Hindi naman tinukoy ng mga awtoridad kung sinu-sino ang parukyano ng suspek na subject ngayon sa validation at masusing imbestigasyon.

Nabawi ng mga awtoridad mula sa condominium ng suspek ang  ibat-ibang uri ng bawal na gamot na kinabibilangan ng ecstacy, valium at mogadon na nagkakahalaga ng P1-milyon.

Inamin ni Atelano na dati siyang nagtutulak ng bawal na gamot pero matagal na umano siyang tumigil at kanyang itinanggi na pag-aari niya ang nakumpiskang ecstasy, valium at mogadon. Sa ngayon ay nakakulong sa PDEA detention facility ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong drug pushing laban sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with