Carpooling, bubusisiin ng LTFRB

MANILA, Philippines - Bubusisiin na rin ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang nagaganap na carpooling o pagsasakay ng mga kaibigan o ka-trabaho at kakilala sa mga may-ari ng sasakyan.

Ito ay sinabi ni LTFRB Board member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada bilang reaksiyon sa nag-trending na post sa social media na nagpapakita ng pagsasakay ng mga car owner sa kanilang sasakyan sa mga nabanggit kahit wala namang permit.   

Nairita ang LTFRB nang umani ito ng  pagbatikos mula sa netizens sa mistulang paghihigpit din ng mga ito sa pagsasabay sa sasakyan o “carpooling” ng mga magkakaibigan o magkakasama sa opisina. 

Kumalat sa Facebook ang screen shot ng usapan ng isang netizen at ang administrator ng social media ng LTFRB. 

Makikita sa screen shot ang palitan ng private message ng isang social media user at LTFRB Citizen Enforcer. 

Nakasaad sa mensahe ang “Hello, good day. I had a quick question. If I share a ride with friends or officemate, let’s say going to the office and he/she gives me money for gas or parking, am I considered colorum and subject to be fined like what you’re doing to Uber?” 

Sumagot ang LTFRB Citizen Enforcer ng “ Yes Sir” kaya’t sinundan ng tanong na “Pero, pag di sila nagbayad OK lang?” na sinagot na “Same thing po sir”. 

Ilan naman sa mga komento sa social media “The people behind this FB page should be investigated and have their minds be checked... My geezzz... So ano gagawin namin looking for decent ride... Lilipad? Magteteleport?” saad ni FB user Vic Verano. 

Inihayag naman ni FB user Benny Jove Sebastián “Ano? Kapag nagbigay huli, kapag Libre huli din? Saka kakilala mo yan, so ibig sabihin bawal magsabay ng kakilala? So I thought they wanted lesser cars? Ang solution dun is to pool. Pero bakit ganyan sagot ng mga yan? What are they really out for? Para ba sa mga mamba Mayan? Or para sa sailing bulsa? Lam ba nila public servant ang ahensya nila? Bakit it only serves their own, seemingly, personal goals”. 

Komento naman FB user Rico Camus “Methinks the LTFRB knows what they speaks off. We need a fed good lawyers and some brave people to challenge this. In any other civilized country that’s what would be done.

Sa mga sagutang ito ma-tinding nairita ang LTFRB kayat masusing imbestigasyon ang kanilang ginagawa ngayon hinggil dito.

Show comments