Habambuhay hatol sa 5 Taiwanese na sangkot sa droga

MANILA, Philippines - Habambuhay na pagkabilanggo ang hinatol ng Paranaque City Regional Trial Court (RTC)  sa limang Taiwanese national dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Iginawad ni Judge Danilo Suarez, ng Parañaque City RTC, Branch 259 ang hatol na habambuhay na pagkabilanggo sa akusadong sina Yu Teng Cheng; Horng Jeng Tsai; Kun Lin Yu; Yung Chun Huang at Yun Pong Hsu.

Bukod dito, pinagmumulta rin ng hukuman ng halagang P4 million ang bawat isa bilang moral damages.

Kaugnay nito, ipinag-utos ng korte sa Intensive Care Area (SICA-1) ng Bureau of Jail Management  and Penology (BJMP)  sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City na ilipat na ang mga  dayuhang drug convicts sa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City.

Habang ang walong co-accused ng mga ito ay patuloy pang  pinaghahanap ng mga awtoridad.

Matatandaan, na tinatayang  nasa P150 milyong halaga ng equipment at processed shabu (methamphethamine hydrochloride) ang nasamsam sa mga akusado nang sala­kayin ng Anti-illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) at Parañaque City Police ang kanilang kitchen-type shabu laboratory sa Brgy. San Antonio Valley 12, Parañaque City noong Agosto, 2012.

Show comments