MRT-3, nagkaaberya ulit

MANILA, Philippines - Muling dumanas ng magkasunod na aberya ang mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sanhi upang mapilitang pababain ang ka­nilang mga pasahero, kahapon ng umaga.

Sa inisyung abiso ng pamunuan ng MRT-3, lumilitaw na naitala ang unang aberya dakong alas-6:26 ng umaga nang makaranas ng technical problem ang isa sa mga tren nito sanhi upang mapilitan ang pamu­nuan nito  na pababain ang kanilang mga pasahero sa southbound ng Ortigas station.

Dakong alas-8:03 naman ng umaga nang muling nag­kaproblemang teknikal ang isa nitong tren habang bumibiyahe sa pagitan ng Buendia at Ayala stations southbound.

Makalipas ang 15-minuto­, sinabi ng MRT na pinababa na ang mga pasahero ng nasabing tren sa bahagi ng Ayala station.

Naibalik rin naman ka­a­gad sa normal ang operas­yon ng mga tren matapos na maayos ang problema.

Ang MRT-3, na bumibi­yahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), ang siyang nag-uugnay sa Taft Avenue, Pasay City at North Avenue, Quezon City.

Show comments