Agent ng OMB, pinakakasuhan ng MMDA chairman

MANILA, Philippines - Pinasisiyasat at pinakakasuhan ni bagong talagang Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim ang isang agent ng Optical Media Board (OMB) na nag-display ng kanyang baril sa towing team na accredited ng ahensiya sa Quezon City.

Inatasan ni Lim si MMDA General Manager Tim Orbos, na imbestigahan ang insidente.

Base sa report noong Mi­yerkules (Mayo), alas-9:24 ng umaga ay nagsagawa ng illegal parking operation ang accredited towing team ng MMDA sa pamumuno ng supervisor nito na si Bong Nebrija sa panulukan ng Scout Tobias at Scout Limbaga sa Quezon City.

Kung saan nakaparada sa lugar ang sasakyan ng agent ng OMB na si Ronnie Tampingco.

Dahil naka-illegal par-king ang sasakyan ni Tam-pingco, hinatak ito ng towing team ng MMDA, nagalit ang naturang agent at naka-display pa umano sa bewang nito ang kanyang baril.

Lalu umano itong naga-lit ng kinukuhanan ito ng video ng team leader ng towing team ng MMDA na si Larry Miravite.

Dahil sa kautusan ni Lim, sinabi ni Orbos na tututukan aniya nito ang insidente at hindi nila papayagang abusuhin at pagbantaan ang kanilang mga tauhan habang ginagawa nito ang kanilang trabaho kontra sa mga traffic obstruction.

“We will not let this incident pass because we have to protect our people from abusive individuals but we will not also tolerate our personnel who are engaged in illicit activities. We will also apply on them the full force of the law,” ani Lim.

Dahil sa inasta ng natu-rang OMB agent, pinaka-kasuhan ito ni Lim.

Show comments