2 dawit sa droga, utas sa shootout

MANILA, Philippines - Dalawang drug perso­nalities ang iniulat na nasawi sa makaraang makipagbakbakan  sa mga operatiba ng Quezon City Police District-Station Drug Enforcement Unit (QCPD-SDEU) sa isang buy-bust ope­ration sa may Brgy. Payatas, Quezon City, kamakalawa.

Sa ulat kay QCPD Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Augusto Riego, alyas, Agot, 45, ng  Brgy. Payatas, QC; at Mariano Cielo, alyas Banjo, 33, ng nasabi ring barangay.

Nasamsam mula sa crime scene ang nasa 12 piraso ng sachet ng shabu, na nakalagay sa mga pitaka na nasa loob ng dalang bag ng mga suspek, isang sumpak at isang kalibre .38 baril, basyo ng mga bala at tingga, P500 bill na ginamit na buy-bust money;

Alas- 12:05 ng tanghali ng isagawa ang buy-bust operation, pero habang nag-aabutan ay nakatunog ang mga suspect na parak ang kanilang ka-transaksyon kung kaya agad na pinaputukan ng mga ito ang mga awtoridad na gumanti na rin ng putok na ikinatama ng dalawang suspect.

Sa nasabi ring operasyon, pinagdadampot ng mga opera­tiba ng SDEU ang mga suspek na sina Jaypee Moncada, 28; Jay-Ar Cañete, 21; Ryan Romero, 32; Amadeo Luis Santos, 26; Johnny Fababier, 42; Antonio Dollano Jr., 39; Bryan Policarpio, 31; Ulyses Zuniega, 41; Asalon Alayon, 23; Ruel Mahinay, 40; at isinalang sa isang drug test kung saan lumabas na positibo ang mga ito sa iligal na droga kung kaya tuluyan nang inaresto.

Show comments