Manila City hall,wala nang pasok bukas

MANILA, Philippines - Idineklara ni Manila Mayor Joseph  Estrada ang araw ng Miyerkules, Abril 12, bilang non-working holiday sa lahat ng mga empleyado ng pamahalaang lungsod bilang paggunita sa Mahal na Araw.

Ayon kay Estrada, ito ay upang mabigyan ang mga empleyado ng sapat na panahon para makapaghanda sa kani-kanilang bakasyon.

Mayor Joseph Ejercito Estrada has declared 12 April 2017, Holy Wednesday, as a non-working day in the City Government of Manila,” pahayag ni City Administrator Ericson Alcovendaz sa isang memorandum.

 Dahil dito, mas mahaba na ang bakasyon ng mga taga-city hall dahil regular holiday na rin ang Abril 13 (Huwebes Santo) at Abril 14 (Biyernes Santo).

Noong isang taon, dineklara din ni Estrada ang Miyerkules Santo bilang non-working holiday para sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod.

Show comments