Pamunuan ng MRT-3, araw-araw nagso-sorry!

MANILA, Philippines - Araw-araw na lamang  nag­so-sorry sa libu-libong pa­sahe-ro ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) dahil sa nagaganap na pagtirik ng ka­nilang mga tren sa biyahe.

Muling humingi ng paumanhin kahapon sa publiko ang management ng MRT-3 dahil sa aberya sa operasyon ng isa nilang bagon.

Nabatid mula sa control tower ng MRT-3 na dakong alas-7:00 ng umaga habang ‘‘rush hour’’ ay nagkaroon ulit ng technical problem ang isang  tren sa North Avenue habang ito ay patungo ng Taft Avenue.

Hindi nakapagsakay ng mga pasahero ang MRT-3    patungo ng south hanggat hindi nahahatak pabalik sa MRT-depo ang tumirik na bagon.

Sa kabila ng pagmamadali ng mga pasahero ay wala silang magawa kundi bumaba ng tren at maghintay ng susunod na biyahe.

Umabot ng 20-minuto ang pagkakaantala ng biyahe na siyang dahilan ng pagkaka-late ng mga pasahero patu-ngo sa kanilang destinasyon.

Ayon sa pamunuan ng  MRT-3, ginagawa naman nila ang lahat ng paraan upang hindi magkaroon ng aberya sa biyahe pero sadya umanong hindi maiwasan ang pagkakaroon ng technical problem.

Show comments