300 lady tanod sasanayin sa arnis ni VM Joy B.

MANILA, Philippines -  Pormal nang isasailalim sa Arnis para sa Barangay Tanod Training Program ni QC Vice Mayor Joy Belmonte   ang may 300 kababaihang tanod mula sa ibat ibang barangay ng Quezon City ngayong Women’s Month.

May 10 araw na tuturuan ng arnis  ng mga instructors mula sa Arnis Philippines Inc., ang 300 lady tanod upang magkaroon ng kaalaman at kasanayan ang para mapangalagaan ang sarili at mga naninirahan sa kani-kanilang  komunidad mula sa masasamang elemento.

Kasama ni Vice Mayor Belmonte sa pagpapatupad ng programa ang Rotary Club New Manila QC  at Arnis Philippines Inc.

Show comments