Problemadong mister, natuluyan sa ikalawang pag-suicide

MANILA, Philippines - Natuluyan sa ikalawang pagtatangkang pagpapakamatay ng isa umanong problemadong mister matapos na matagpuan ito ng kanyang misis na nakabigti gamit ang sinturon kamakalawa sa Brgy.Talipapa,Quezon City.

Ang nasawi ay kinilalang si Reynaldo Suico,37,helper ng no.12 Siklot St.,Carreon Subd.,Brgy.Talipapa ng lungsod.

Bago natagpuang nakabigti ang biktima ng kanyang misis na si Queen Venus dakong ala-1:40 ng hapon ay inihatid muna ng huli ang kanilang anak sa eskwelahan dakong alas-12:20 ng tanghali.

Dito ay sinabi ng biktima sa misis na huwag pabayaan ang kanilang limang taong gulang na anak na lalaki.

 Pagkabalik ng misis ng bahay ay nakita na ang walang buhay na katawan ng mister na nakabigti sa kisame gamit ang mahabang sinturon na ipinalupot sa leeg.

Nabatid na noong nakaraang Martes,dakong alas-2:00 ng hapon ay nagtangka ang biktima na magpakamatay sa pama­magitan ng paglaslas ng leeg na naagapan lang ng misis.

Show comments