Chinese trader, inatado ng tauhan

MANILA, Philippines – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang  isang negosyanteng Chinese ng kanyang tauhan sa warehouse sa Sta. Cruz, Maynila, kaha­pon ng umaga.

Naliligo na sa kanyang sariling dugo nang matagpuan si Tito Lee, 46, ng kanyang pamang­kin na si Angelita Dy sa loob ng banyo sa kanyang warehouse sa Rizal Avenue Sta. Cruz, Maynila.

Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek na nakilalang si Renz nasa edad 25 hanggang 30 na mabilis tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-7:30 ng umaga nang matagpuan sa loob ng banyo ng kanilang warehouse  ang  biktima.

Laking gulat ni Dy nang makitang naka­handusay sa loob ng banyo ang biktima at naliligo sa sariling dugo na naging dahilan upang ipagbigay alam sa pulisya.

Hindi naman  makita si Renz  kung kaya’t isa ito sa mga pinalalagay na suspek sa krimen.

Nabatid na isang linggo pa lamang naninil­bihan ang suspek sa biktima.

Inaalam pa ni Cayabyab, kung may nawa­walang gamit ang biktima.

Gayunman patuloy na nagsagawa ng im­bes­tigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insi­dente.

Show comments