^

Metro

Pekeng bomba natagpuan malapit sa Manila City Hall

Pilipino Star Ngayon
Pekeng bomba natagpuan malapit sa Manila City Hall

MANILA, Philippines — Nagdala ng kaba at tensyon ang inakalang improvised explosive device (IED) na natagpuan ngayong Miyerkules ng umaga malapit sa Manila City Hall ngunit sa kabutihang palad ay pekeng bomba ito.

Sinabi ni Superintendent Romeo Desiderio ng Manila Police District Station 5 na walang bomb components na nakita ang explosive ordinance disposal team na kaagad rumesponde.

"Wiring lang saka, yun lang, cellphone plus yung dynamite type na paper," wika ni Desiderio sa dzMM. "Nananakot lang yung naglagay. Nagbibiro."

Bandang alas-6 ng umaga naiulat ang pekeng bomba at isang oras ang nakalipas bago idineklarang ligtas ang lugar sa pagsabog.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung saan nakatakda rin nilang silipin ang security cameras upang matukoy kung sino ang nag-iwan ng pekeng bomba.

Nito lamang ay isang IED ang natagpuan malapit sa embahada ng Amerika. Kaagad naman itong nadisarmahan ng mga awtoridad.

Dahil sa napigilang pambobomba ay isinailalim ang bansa sa Terror Alert Level 3 habang umiiral ang state of lawlessness ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with