^

Metro

Ginang patay sa ‘thrill killer’

SKETCHES - Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ginang ang nasawi habang sugatan naman ang isang 5-anyos na paslit makaraang pagsasaksakin ng isang lalaki sa hindi mabatid na kadahilanan sa Quezon City, kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection unit (QCPD-CIDU), ang nasawi ay nakilalang si Marilou Palabrica, 46, at ang sugatan naman ay si Prince Eurick Nobleza, kapwa mga residente ng Revilla compound, Odelco Riverside, Brgy. San Bartolome, Novaliches, ng nabanggit na lungsod.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na si Lolito Tuibeo, 44, walang trabaho na residente rin sa naturang lugar.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Alvin Quisumbing, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa harap ng bahay ng biktima dakong alas-3:15 ng hapon.

Ayon sa testigong si Jesseca Revilla, nakatayo umano siya sa harap ng bahay ng biktima nang makita ang suspek na nilapitan ang nasawing ginang at sa hindi mabatid na kadahilanan ay big­lang nagbunot ng patalim ang huli at inundayan ng mga saksak sa katawan ang una na malubhang ikinasugat nito.

Matapos nito, nang makita ang bata ay sinaksak din ng suspek, saka naglakad palayo sa lugar. Agad namang isinugod ng kanilang kaanak ang mga biktima sa Novaliches District Hospital pero si Palabrica ay inilipat sa Jose Reyes General hospital kung saan siya idineklarang dead-on- arrival dakong alas-4:40 ng hapon.

Samantalang ang batang si Marvin ay inilipat naman sa Quezon City General hospital kung saan ito nilapatan ng lunas.

Agad namang  nadakip ang suspect.

Wala pang linaw kung ano ang motibo ng suspect sa pananaksak sa mga biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with