Riprap ng Marikina River, gumuho

MANILA, Philippines - Gumuho ang may 20 metro ang haba ng riprap sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Ang pagguho ng riprap ay naganap dakong alas-10:30 ng gabi sa Brgy. Nangka habang natutulog na ang maraming residen­te.

Sampung pamilya na nakatira sa lugar ang naapektuhan ng pagguho ng riprap  kaya agad na lumikas dahil sa takot na baka tumaas ang tubig.

Pansamantalang nanu-­nu­luyan ngayon sa Barangay hall ng Barangay Nangka ang mga lumikas na residente at ayaw pang bumalik sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa patuloy na paglambot ng lupa bunsod ng pag-ulan.

Ang pagguho ng riprap ay nangyari sa mismong ika-7 taong anibersaryo ng pananalasa ng bagyong Ondoy sa bansa, kung saan ang Marikina City ang labis na naapektuhan makaraang lumubog ang maraming taha­nan at pagkamatay ng ilang residente.

Show comments