^

Metro

Mayor Bistek pumalag sa VACC, sa pagdadawit sa kanya sa droga

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa umanong malaking kalokohan ang pagdadawit ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa kanya sa illegal drug trade.

Ayon kay Mayor Herbert Bautista walang basehan ang VACC para idawit siya at ang kanyang kapatid na si QC Councilor Hero Bautista sa iba’t ibang kaso na may kinalaman sa droga.

Sinabi ni Mayor Bautista na posibleng inuugnay siya sa droga dahil dalawa sa sinasabing ‘narco generals’ ay kapwa naging district director ng QCPD. Ito ay sina Gens. Joel Pagdilao at Edgardo Tinio.

Anya, wala siyang kapangyarihan na piliin ang pinuno ng QCPD dahil ang pamunuan ng PNP ang nagtatalaga sa mga ito.

Bagamat nasaktan anya siya nang masangkot sa droga ang kapatid na si Hero, patuloy naman umano ang kanyang kampanya kontra illegal drugs  magmula pa noong siya  ay opisyal ng Kabataang Barangay.

Gayunman, sinabi ni Mayor Bautista na handa siyang sumailalim sa imbestigasyon para patotohanan na wala siyang kaugnayan sa sindikato ng ilegal na droga sa bansa.

Una rito, ang magkapatid na Bautista ay kinasuhan ng VACC sa tanggapan ng Ombudsman ng paglabag sa  Executive Order 292 o Administrative Code for dishonesty, neglect of duty, misconduct, and conduct prejudicial to the best interest of service as public official gayundin sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at sa ordinansa na nagpapatupad ng Drug-Free Workplace sa QC  at  paglabag sa Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service.

Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, kailangang ma-nagot si Mayor Bautista sa paglaganap ng illegal drugs sa QC at sa sunud-sunod na  summary killings  laban sa  hinihinalang sangkot dito. Bukod pa umano sa nagbubulag-bulagan ito sa paggamit ng bawal na gamot ni Hero.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with