9 nadakip sa ‘damo’ at ‘bato’

MANILA, Philippines – Siyam na katao na sangkot sa iligal na droga ang inaresto ng Manila Police District (MPD) sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.

Kamakalawa ng gabi, dinampot ang apat na sinasa-bing drug user na kinabibila-ngan ng isang babae sa San Andres Bukid sa naturang lunsod.

Sa ulat mula kay P/Supt, Robert Domingo, hepe ng MPD-Station 6, ang mga suspek na kinilalang sina Michael Belarde, 27; Marvin Campos, 21; Roberto Klien, 57;  at isang Jeanne Sarmiento, 38, pawang residente ng Concha st., San Andres Bukid, ay naaktuhang gumagamit ng shabu sa Concha St. sa naturang lugar.

Nakumpiskahan din ng kalibre .22 na paltik, isang improvised shotgun at 9 na bala nito ang mga suspek bukod sa apat na piraso ng maliliit na plastic sachet ng shabu, improvised water pipe at 2 disposable lighter na ginamit sa pot session.

Nakapiit na sa nasabing presinto ang mga suspek na ipinagharap kahapon ng mga kasong paglabag Republic Act  9165 sections 11 at 15 bukod sa illegal possession of firearms and ammunition.

Samantala, sa ulat naman ni P/Supt. Nicolas Pinon, hepe ng MPD-Station 2, lima katao na pinaniniwalaang grupo ng nagbebenta ng pinatuyong marijuana at shabu  ang nasakote ng kaniyang mga tauhan sa Tindalo St., Tondo.

Kamakalawa nang isailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office ang mga suspek na kinilalang sina John Michael M. Garcia, 19; Janet M. Garcia, 38; Krizzie S. Fulinar, 19; Carlo J. Pangan, 20; Ferdinand C. Salazar, 26, pawang nakatira sa 1502 at 1521 Tindalo St.. Pinagharap sila ng kasong paglabag sa RA 9165 sections 6, 7, 12  at 11  kaugnay sa mga nakumpiskang ilang plastic sachet ng marijuana at shabu.  

Nabatid na isang “infor-mer” ang nagtungo sa  Station Anti-Illegal Drugs (Moriones Police Station 2) para isup­long ang mga sinasabing bentahan ng droga.

Inatasan ni SAID Chief, Insp. Luisito Mababangloob III ang mga tauhan na alamin kung totoo ang sinasabi ng informer. Habang nasa lugar ay nasaksihan nila ang abutan ng pera at nakaplastik na pinatuyong marijuana ng suspek na si John Michael at isang lalaki na walang pang-itaas.

Habang papalapit ang mga  operatiba ay may sumigaw na “mga pulis yan!!” kaya nagsitakbo ang  dalawa na hinabol at pumasok sa isang bahay doon. Nang makorner ay nakunan ng 3 maliit na sachet ng marijuana at napulot din sa lapag ang isa pang marijuana na nakasilid sa cigarette foil.

Naaktuhan din sa nasa-bing bahay si Janet na nakaupo sa sahig. Nang pigilan ang hawak sa kamay ay nadiskubreng may isang plastic na shabu at nang rikisahin ang sahig ay nakapulot pa sila ng 4 pang plastic na shabu.

Papatakbo na rin ang iba pang suspek na inabutan sa nasabing bahay at nang kapkapan ay nakuhanan din ng plastic sachet ng shabu.

Show comments