Janitor hulog mula sa kisame ng mall, lasog

MANILA, Philippines – Lasog ang isang janitor makaraang mahulog buhat sa nililinis na kisame ng isang mall sa Caloocan City, kama­kalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Manila Cen­tral University Hospital pero binawian din ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan ang 21-anyos na si Ryan Agabon, ng Block 25 Lot 21 Phase 1 Paradise Village, Letre, Brgy. Tonsuya, Ma­labon City.

Sa inisyal na ulat ng Ca­loocan City Police Station In­vestigation and Detective Ma­­nagement Branch, nililinis ni Agabon ang kisame malapit sa receiving area ng isang mall na nasa Rizal Avenue sa Monumento dakong alas-9:20 ng gabi.

Gumamit umano ang janitorial services ng isang uri ng lifting machine na inooperate­ ni Leonardo Bactong, 31. Bigla­ umanong nawalan ng balanse ang lifting machine at tulu­yang bumagsak sa sahig ka­sama ang biktima.

Agad na sinaklolohan naman ng mga kasamahan sa janitorial services ang biktima at isinugod sa pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay.

Isinasailalim naman sa im­bestigasyon sina Bactong at Lopez ng Caloocan Police upang mas malinawan ang mga detalye sa naganap na insidente habang isinasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima.

Show comments