No. 2 most wanted sa Pasay, arestado

MANILA, Philippines – Nadakip ang itinuring na number 2 most wanted sa pagtutulak ng droga sa Pasay City ng mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG), kamakalawa ng gabi.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detentinon cell ang suspek na si Ester Santa Ana, 52, residente ng Road 4 Brgy. 193, Zone-20, Pildera 2 NAIA ng natrurang lungsod.

Ayon kay Senior Supt. Joel B. Doria, alas-7:00 ng gabi ng madakip ng kanyang mga tauhan ang naturang suspek sa isang buy-bust operation sa naturang lugar matapos makatanggap ng tip mula sa kanilang impormante hinggil sa ilegal na transaksiyon nito..

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang suspect na nasamsaman ng shabu.

Show comments