Sumilip sa burol kelot na pumatay sa utol dahil sa mana, arestado

MANILA, Philippines – Nadakip ng pulisya nitong Martes ng gabi ang isang 50-anyos na lalaki na itinuturong sumaksak at nakapatay sa kanyang nakababatang ka-patid noong gabi ng unang araw ng Bagong Taon sa Caloocan City nang dahil sa mana.

Nakilala ang naaresto na si Odonell Diaz, ng Block 3 Lot 4 City Homes, Maligaya Park, Camarin, Caloocan. Napatay nito ang kapatid na si Ramon Diaz III, ng San Miguel Homes Road, Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-9 kama-ka­lawa ng gabi nang ma­da- kip si Odonell sa burol ng kanyang kapatid na si Ramon sa bahay nito sa Valenzuela City.

Sa salaysay ng saksing si Raymond Adriano, tricycle driver, sakay niya ang magkapatid na Diaz sa kanyang tricycle at kapwa naka-back ride habang nasa loob ng sidecar ang misis at anak na babae ng suspek dakong alas-9 ng gabi nitong Enero 1.

Habang binabagtas ang Quirino Highway sa Calo­ocan City, bigla na lamang umanong sinaksak ni Odonell ang kapatid saka tumakas kasama ang pamilya. Sinabi ni Adriano na isinugod pa niya ang biktima sa Valenzuela City Medical Center ngunit nalagutan rin ng buhay.

Natukoy si Odonell makaraang magtungo sa pulisya si Adriano at ihayag ang buong pangyayari dahilan ng pagkakadakip sa suspek.

Nabatid naman na agawan sa pamanang bahay at lupa ang motibo sa krimen.

Show comments