Tanod inutas ng tandem

Crime scene sign

MANILA, Philippines – Pinagbabaril at napatay sa harap ng kanyang misis ang isang barangay tanod ng dalawang hindi nakilalang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Isinugod pa sa Caloocan City Medical Center ngunit nalagutan rin ng hini­nga ang 39-anyos na si Virgilio Santiago, ng Block 14 C3 Road, Pama Sawata, ng naturang lungsod.
Sa ulat, kasama ng biktima ang kanyang misis na si Rezaida at ialan pang kapitbahay sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ang mga suspect at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang una saka mabilis na tumakas.

Hinihinala na may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang tanod ang motibo sa naturang pamamaril.

Show comments