^

Metro

Trader, timbog sa ‘pyramiding scam’

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang negosyante na presidente ng isang marke­ting group at  sangkot umano sa pyramiding scam ang nadakip ng pulisya sa isang entrapment operation na isi­nagawa sa Caloocan City, ka­makalawa ng gabi.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Northern­ Police District (NPD) at na­ha­harap sa kasong syndi­ca­ted estafa ang suspek na si Norbert Doria, 36, pa­ngulo ­ng Direct Marketing Group International at residente ng Intan St., Bagong Barrio ng na­sabing lungsod.

Ayon kay Police Chief Supt. Eric Serafin Reyes, district director ng Northern Police District (NPD), alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ng entrapment operation ang mga tauhan ng District Special Ope­ration Unit (DSOU) sa may  EDSA, Caloocan City.

Bago ito, isang nagnga­ngalang Bernadette Duetiz ang nagtungo sa himpilan ng NPD upang ireklamo ang suspek dahil sa patuloy nitong pangangalap ng pera sa mga miyembro ng DMGI kahit ipinag-utos na ng Security and Exchange Commission (SEC) ang pagpapatigil sa pag-invest sa naturang kompanya.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng entrapment ope­ration ang mga tauhan ng DSOU at sa tulong ng mga nagrereklamo ay naghanda ang mga ito ng P60,000 bilang pang entrap money hanggang sa nakipagkita sa suspek sa isang pizza parlor sa lugar.

Nang nasa kamay na ng suspek ang pera ay agad na naglapitan sa lamesa ng mga ito ang mga tauhan ng DSOU na nagpanggap na kumakain sa loob ng restaurant kaya’t hindi na nagawa pang makapanlaban ng  suspek na agad na dinala sa himpilan ng pu­lisya upang pormal na masampahan ng kaso.

Kaugnay nito, hinihiling­ din ng mga awtoridad ang mga naging biktima ng suspek na magtungo sa kanilang tanggapan upang madagdagan pa ang mga nagrereklamo laban kay Doria.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGONG BARRIO

BERNADETTE DUETIZ

CALOOCAN CITY

DIRECT MARKETING GROUP INTERNATIONAL

DISTRICT SPECIAL OPE

ERIC SERAFIN REYES

INTAN ST.

MGA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with