Karnaper na holdaper timbog

MANILA, Philippines – Isa sa dalawang karnaper/ holdaper ang nadakip matapos nilang biktimahin ang isang tricycle driver kahapon sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police detention cell ang suspek na si Israel Morate, 18, ng Brgy. Rizal ng naturang siyudad habang pinaghahanap naman ang kasama nitong si Renson Herrera, alyas Ebok .

Kinilala naman ang biktimang si Jonathan Lelis, 23.

Ayon sa pagsisiyasat ni SPO2 Noli Jucal, ng Anti-Carnapping Section ng Makati City Police, naganap ang insidente ala-1:30 ng madaling araw sa panulukan ng J.P. Rizal St., panulukan ng Floraville St., Barangay Rizal ng naturang siyudad habang  namamasada ang biktima ng kanyang tricycle nang parahin ng mga suspek at hinintuan naman nito sa pag-aakalang pasahero.

Dito, na nagdeklara ng holdap ang mga suspek at sabay na tinutukan ng baril ang biktima.

Bukod sa panghoholdap, tinangay pa ng mga suspek ang pinapasadang tricycle ng biktima.

Sa follow-up operation ng mga pulis, nagresulta ito nang pagkakadakip kay Morate habang pinaghahanap pa ang kasabwat nitong si Ebok.

Show comments