Number coding suspendido sa Biyernes para sa Undas

MANILA, Philippines — Suspendido ang number coding scheme sa Biyernes para sa Undas, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Inaasahan ng MMDA ang pag-uwi sa probinsiya ng mga residente ng Metro Manila kaya naman sa Lunes, Oktubre 2, na muling ipatutupad ang number coding.

Nilinaw naman ng ahensya na hindi kabilang ang mga provincial bus sa suspensyon ng number coding.

Hindi rin naman saklaw ng suspensyon ang sa lungsod ng Makati.

 

Show comments