5 ‘tulak’, tiklo sa buy-bust

MANILA, Philippines - Limang kalalakihan na umano’y ‘tulak’ ng droga ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nakakulong ngayon sa Makati City Police detention cell ang mga suspek ana sina Edgar Arceo; Andrew Pesco; Alexander Nueva; Glenner Anzano at isang alyas Hapon, pawang mga taga- Brgy. East Rembo ng naturang lungsod.

Ayon kay Senior Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City Police, nahuli ang mga suspek  matapos na i-post sa social media ang litrato ng mga ito na humihithit ng ipinagbabawal na gamot. Dahilan naman upang magsagawa ng surveillance ang mga tauhan ng Makati Special Anti-Illegal Drugs Division.

Matapos ang ilang araw na surveillance at mag­positibo ay nagsagawa na ng buy-bust operation ang mga pulis pasado alas-11:00 ng gabi sa nabanggit na ba­rangay.

Nagresulta ito sa pagka­kadakip sa limang suspek, nakumpiska sa mga ito ang pitong plastic sachet ng  shabu­ at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Show comments