Ama, kinatay ang kapitbahay dahil inagrabyado ang anak

MANILA, Philippines - Bunga ng damda­min umano bilang isang ama, nagawa nitong saksakin ang 49-anyos na kapitbahay na naka­suntukan ng anak, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na ama na iginanti ang naargabyadong anak na si Fernando Enario, ng Room 524, Bldg. 7 , Permanent Housing,Tondo.

Nakilala naman ang napatay na si Rogelio Sonza, 32, kapitbahay ng suspek.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista, ang insidente ay nangyari dakong alas-2:00 ng hapon sa labas ng bahay ng suspek. Sinabi ng suspek sa imbestigador na hindi niya nakayanang makita na ang anak ay walang kalaban-laban na sinusuntok ng biktima dahil pigil-pigil pa ng mga uma­awat ang kamay ng anak kaya kumuha siya ng patalim at inatake ang kapitbahay. Inaalam pa kung anong ugat ng galit ng biktima sa anak ng suspek.

Show comments