^

Metro

Roxas Blvd. 2 linggo bukas sa trucks

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang bubuksan umpisa ngayong Lunes ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) ang Roxas Boulevard para magamit ng mga cargo trucks makaraang matambakan umano muli ng mga container vans ang pier ng Maynila dahil sa mga nagdaang okasyon.

 Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na epektibo ang pagbubukas ng Roxas Boulevard sa mga trak mula Pebrero 2-15 mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-5 lamang ng madaling araw.  Nilinaw naman nito na hindi ito epektibo tuwing Sabado ng madaling araw o Pebrero 7 at 14.

Ikinatwiran ni Tolentino ang pagbibigay nila sa kahilingan ni Secretary Rene Almendras, pinuno ng Cabinet Cluster on Port Congestion, na mabuksan para sa mga cargo trucks ang Roxas Blvd. para mas mabilis na mahakot ang mga container vans na nag-umpisa umano muling magtambak makaraan na isara ang mga kalsada sa Maynila noong Pista ng Itim na Nazareno at Papal Visit nitong Enero.

 Matapos nito, ihahanda naman umano ang Roxas Blvd. para sa rehabilitasyon ng DPWH para sa darating na Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit.

Hindi naman malinaw kung may koordinasyon na ang MMDA sa pamahalaang lungsod ng Maynila partikular kay Traffic Czar, Vice Mayor Isko Moreno bago ipatupad ang bagong iskema.

 

ASIA PACIFIC ECONOMIC CONFERENCE

CABINET CLUSTER

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MAYNILA

PAPAL VISIT

PEBRERO

ROXAS BLVD

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with