Adik nagbigti

MANILA, Philippines – Isang 28-anyos na lalaki na sinasabing lulong sa ipinagbabawal na gamot ang natagpuang nakabigti sa isang puno  sa ibabaw ng  Smokey Mountain,  kahapon ng  umaga sa  Balut, Tondo,  Maynila.

Dakong alas-9:53 ng  umaga nang  matagpuan ang nakabigting si Jervy Abella Manlangit, binata, ng Navotas City.

Sa imbestigasyon ni  SPO4 Jonathan Bautista, namataan ng security guard ng Smokey Mountain na si Raul Judiadan ang nakabigting biktima sa isang malaking puno sa ibabaw ng bundok.

Ayon sa mga residente dalawang araw na nilang napapansing tuliro ang  biktima nang dumalaw ito sa kanyang tiyuhing si  Enrico Vitor, ng  Building 3 Permanent Housing sa Balut Tondo.

May ilang nakapuna din sa biktima na palakad-lakad lamang umano sa ibabaw ng bundok ng basura.

Inaalam pa ng pulisya ang insidente matapos na makatanggap sila ng ulat na hinalang lulong sa droga ang biktima.

Hindi rin ito na natutulog, hindi mapakali at laging tuliro.

Show comments