NCRPO nakaalerto hanggang sa Papal visit

MANILA, Philippines - Bagamat walang banta ng seguridad sa Metro Manila, tuloy na naka-full alert ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) na magpapatuloy hanggang sa pagdating ni Pope Francis sa bansa sa buwan ng Enero.

Ayon kay NCRPO chief Director Carmelo Valmoria ito ay upang higit na matiyak na ligtas ang publiko at mapanga­lagaan ang kanilang seguridad  sa pagdiriwang ng Bagong Taon hanggang  sa pamamalagi sa bansa ng Santo Papa.

Sinabi din ni Valmoria, round the clock nilang binabantayan ang seguridad  sa pagsalubong sa New Year at katuwang din sila sa mga tutugon sa mga magiging biktima ng fire­crackers o paputok.

Patuloy din anya ang kanilang monitoring sa mga magbebenta at gagamit ng mga iligal na paputok.

Hinikayat naman ni Valmoria ang publiko na makiisa sa  ipinapatupad na security measures ng PNP at kung may makitang mga paglabag sa pagpapaputok ng baril at paggamit ng bawal na firecrackers ay agad na isumbong sa  mga otoridad.

Show comments